MELODY NUÑEZ
HUMAKOT ng nominasyon ngayong taon sa prestihiyosong Grammy Awards ang breakout artist na si Lizzo.
Nanguna ang “Truth Hurts” hit makers sa mayroong pinakamaraming nominasyon na umabot sa walong awards.
Kabilang na dito ang tinaguriang big four categories na Best New Artist, Song of The Year, Record of the Year at Album of the Year Awards.
Pumangalawa naman sa may pinakamaraming nominasyon ang kapwa Rising Music Stars nito na sina Billie Ellish at Lil Nas X na may tig-anim na nominasyon.
Magaganap ang 62nd Grammy Awards sa January 26 sa Los Angeles, California.
Magiging host ng event ang Grammy Award-winning singer-songwriter na si Alicia Keys.