POL MONTIBON
IPINAGMALAKI ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang nasa mahigit limandaang libong mga contructual workers ang naregular na sa kanilang mga trabaho.
Ito ang ibinida ni Labor Sec. Silvetre Bello III bago ang 86th anniversary ng DOLE sa Disyembre a-sais.
Ayon kay Bello, boluntaryong nakikiisa ang mga kumpanya at mga employer sa kampanya ng Duterte administration laban sa kontraktwalisasyon.
Samantala, tumaas naman sa 2.3 million ang nabigyan ng trabaho ng DOLE ngayong taon batay sa isang labor force survey.
Bago ang anibersaryo sa Disyembre, tinatayang nasa 22,280 na trabaho ang maibibigay ng DOLE sa mga Pilipino kabilang na ang local jobs at sa mga gustong magtrabaho sa ibang bansa.
libu-libo namang mga first time job seekers ang maililibre ng gastusin sa pagkuha ng mga basic documents sa pag-apply ng trabaho dahil sa pagkakapasa ng first time job seekers act.