EYESHA ENDAR
ISA na namang box office record ang naitala ng Disney matapos ang tagumpay na pagbubukas ng “Frozen 2” sa sinehan.
Naitala ng Frozen 2 sequel ang highest grossing weekend sa kasaysayan ng pagdiriwang ng thanksgiving matapos itong kumita ng tumataginting na 123.7 million dollars US sales sa loob lamang ng limang araw.
Habang 738.6 million dollars naman ang kabuuang kita nito sa global ticket sales sa loob ng 12 araw.
Naungusan nito ang pelikulang “The Hunger Games: Catching Fire” na kumita noon ng 109 million dollars sa Thanksgiving weekend.
Hindi lang yan dahil hawak na rin ng Frozen 2 ang titulong “Biggest Global Opening” at “Highest-Grossing Debut” para sa Walt Disney Animation Studios.
Inaasahang aabot pa sa 1-billion dollar mark ang kikitain ng “Frozen 2” sa patuloy na paglabas nito sa mga sinehan.