POL MONTIBON
INABSWELTO ng Office of the Ombudsman si Dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at ilang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kasong plunder.
Ito ay matapos ibasura ng Ombudsman ang kasong plunder, malversation of public funds at paglabag sa section 3 (e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kay Arroyo.
Abswelto rin sa kaso ang mga opisyal ng PCSO na sina Rosario Uriarte, Sergio Valencia, Benigno Aguas, Gloria Araullo, at Commission On Audit Assistant Commissioner Lourdes Dimapilis at Auditor Nilda Plaras.
Sa sampung pahinang resolusyon ng Ombudsman, walang nakitang probable cause para idiin sa kaso si Arroyo at mga kasama niya sa nasabing kaso.
Nag-ugat ang kaso dahil sa umano’y illegal na paggamit ng PCSO intelligence funds mula 2008 hanggang 2010 kung saan nakipagsabwatan umano si Arroyo sa nasabing mga opisyal.