PANGALAGAAN ang computer sa pamamagitan ng clean drive.
NI: MARILETH ANTIOLA
HALOS lahat na ng tao sa buong mundo ay marunong nang gumamit ng compute at mayroon ding mga computer sa kanilang tahanan. Ngunit may iba pa rin na hindi alam ang wastong pag-aalaga at paglilinis sa kanilang mga computer para mas lalo itong tumagal at hindi agad-agad masira.
Napakaraming gamit ng computer sa buhay ng tao, mapatrabaho, gaming, chatting, sa social media. Halos lahat ay hindi magpapahuli sa kanilang mga Facebook post at story at syempre malaking ambag ang computer sa mga nag-aaral para sa kanilang mga school work, research at marami pang iba.
Mahalaga ang paggamit ng clean drive upang maprotektahan at tumagal ang mga computer.
Maraming klase ng mga clean drive na maaring i-install sa mga computer. Ang iba rito ay libre lamang ngunit mayroon ring may bayad.
Ang paglilinis ng iyong computer sa tulong ng clean drive ay mahalaga sa pagpapanatili nitong maayos at makakatulong upang maiwasan ang mga virus na maaring magkaroon sa inyong mga computer kung hindi ninyo ito wastong nalilinis. Malaki rin ang posibilidad na ma-corrupt o mawala ang mga naka-save na mga files sa inyong computer.
Kaya huwag niyo nang hintayin na magloko, mawala ang inyong mga files at masira agad ang inyong mga computer, agapan niyo agad, gumamit na agad ng mga clean drive upang mapanatiling malinis, maprotektahan ang inyong mga files at mas tumagal pa lalo ang inyong mga computer.