JHOMEL SANTOS
NASA halos dalawandaang vape stores na ang naipasara habang nasa apatnapu’t dalawang indibidwal ang nahuli sa patuloy na crackdown operation ng Philippine National Police laban sa paggamit ng vape o electronic cigarette sa Metro Manila.
Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-ban sa importasyon at paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar.
Nilinaw naman ni National Capital Region Police Office Director Police Brig. Gen. Debold Sinas na agad ding pinakakawalan ang mga naaresto matapos maipa-blotter at maisailalim sa booking procedure.
Inabisuhan naman ng PNP ang nasa isandaan pitumpu’t walong vape stores sa mga malls na itigil na ang pagbebenta ng vape o e-cigarettes upang hindi maipasara ang kanilang mga tindahan.