YNA MORTEL
PORMAL nang inilunsad at nagtalaga na ng help desk ang korte suprema na magbibigay ayuda o tutugon sa mga pangangailangan o mga katanungan ng publiko.
Ito ay tinawag na JPAS o Judicial Public Assistance Section na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the Chief Justice.
Ang JPAS ay mayroong tatlong magkakaibang units kabilang na ang help desk unit, hotline unit at email messaging unit.
Ang help desk unit ay matatagpuan sa ground floor ng korte suprema, habang ang hotline unit at email messaging unit ay nasa Office of the Chief Justice.
Ito ay nakabukas Lunes hanggang Biyernes simula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon, maliban kung holiday.