YNA MORTEL
DAPAT magkaroon ng kanta na magrerepresinta sa buong bansa.
Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo hinggil sa post ni Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte kaugnay sa opening ng SEA Games noong Sabado.
Sinabi ni Panelo na dapat aniya gumawa ng kanta na magrerepresinta sa buong Pilipinas – Luzon, Visayas at Mindanao.
“The mayor is right. We need to have a song that will reflect not only Manila but the entire Philippines – Luzon, Visayas and Mindanao. Wala pa eh. Kaya ‘yung song writers are being alerted including myself to make such a song. Maganda nga yung idea na kailangan na buong Pilipinas nga naman,” pahayag ni Panelo.
Samantala, sinabi naman ni Panelo na maaaring ginamit ang kantang Manila dahil ito ang pinaka popular na kanta sa mga Pilipino.
“Perhaps because of the title Manila itself, then she would be right. It’s not representing the entire Philippines. But it seems that Manila was used because that is the most popular song in relation to the Filipinos,” ayon pa ni Panelo.