JAMES LUIS
GINAWARAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ng cash incentives at order of lapu-lapu awards ang mga atletang pinoy na nakakuha ng medalya sa katatapos na Southeast Asian Games.
Nasa halos 600 medalist ng SEA games ang dumalo sa isinagawang seremonya sa Malakanyang para tanggapin ang parangal para sa tagumpay ng kampanya at programa ng gobiyerno.
Batay sa batas, ang gold medalist ay entitled ng P300,000 cash; P150,000 naman sa silver medalist at P60,000 sa bronze medalist o kabuuang P79 million para sa mga medalists sa katatapos na SEA games.
Maliban dito, nagkaloob din si Pangulong Duterte ng cash incentives sa mga medalist.
Nagkaroon ng photo opportunity si Pangulong Duterte sa bawat atleta na dumalo sa okasyon.
Hindi naman nakadalo ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas gayundin ang gymastics gold medalist na si Carlos Yulo na kasalukuyang nagsasanay na sa Japan para sa Tokyo Olympics.