MGA dapat maunawaan tungkol sa mind control.
NI: MARILETH ANTIOLA
MARAMI ang hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng mind control. Ito ay isang gawain o paggamit ng kakayahan na utusan at pasunurin ang isang tao sa pamamagitan lamang ng paggamit ng lakas ng pag-iisip.
Ang pagkontrol sa isipan ng isang tao ay kadalasan ginagamit ng mga psychologist upang mapag-aralan ang pinagmulan ng phobia, behavioral patterns at subconscious ng kanilang mga pasyente.
Noong Medieval period o middle ages pa lamang ay aware na ang ilang tao tungkol sa mind control. Ngunit, itinuturing noong panahon na iyon na ang mind control ay gamit sa black magic o mahika.
Ayon sa paniniwala ng ibang tao ang mind control ay kabilang sa mga kapangyarihan ng mga mangkukulam, mangbabarang o mga black witch para maisakatuparan ang kanilang bibiktimahin.
Ngunit noong Renaissance bahagyang nabago ang pananaw at interpretasyon ng ibang tao tungkol sa mind control at noon din inumpisahang gamitin ito ng mga salamangkero o magician sa kanilang mga pagtatanghal.
Sa aking sariling pananaw, walang masama kung maniniwala ka sa mind control dahil wala namang mawawala magiging bukas pa ang iyong isipan sa mga ganoong bagay. At hindi imposible ang mind control dahil sa tamang meditation kagaya ng pagpapahinga, pagtulog sa tamang oras, pagkain ng mga masusustansiyang pagkain, paglayo sa mga negatibong tao, magagawa mong mapalakas ang iyong isipan upang makapag-emit ito ng enerhiya na magagamit mo para maisagawa mo ang tinatawag na mind control sa ibang paraan gaya ng pag-iisip mo ng mas kapakipakinabang na mga bagay.
Paalala lamang, huwag kakalimutang magpasalamat at magdasal dahil tanging ang Panginoong Maykapal lamang ang may tunay na kapangyarihan mag-control sa lahat ng mga bagay at puwedeng mangyari sa ating buhay.