PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac
ADMAR VILANDO
PABOR ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng nationwide ban sa paputok.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, kaisa sila ng Department of Health (DOH) sa panawagan para sa nationwide ban sa paputok upang protektahan ang buhay at kaligtasan ng publiko.
Kasabay nito, sisimulan na ng PNP ang monitoring sa pagbebenta at paggamit ng mga iligal na paputok.
Ito ay matapos ipag-utos ni PNP Officer-in-charge Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa sa PNP Civil Security Group (CSG) at Police Regional Offices ang pagsasagawa ng operasyon upang mahigpit na ipatupad ang Executive Order No. 28 na nagre-regulate sa paggamit ng paputok at iba pang pyrotechnic devices.
Sinabi ni Banac na nakikipag-ugnayan na ang Association of Dealers of Firecrackers sa PNP CSG upang linawin ang probisyon sa batas kaugnay pa rin dito.