ITATAYO sa mga police stations sa Central Luzon ang OFW Desk.
Ayon kay PRO 3 Regional Director Police Brigadier Rhodel Sermonia, ito ay upang mapabilis ang pagresponde sa mga sumbong ng pang-aabuso na may kinalaman sa mga OFW.
Katuwang ng PRO 3 sa OFW Desk ang DILG, OWWA at POEA.
Kabilang sa tututukan ng naturang tanggapan ang iba’t ibang krimen gaya ng fraud, terrorism at illegal drug abuse ng mga transnational crime syndicates.
Bago nito, ilang nasabing desk na rin ang itinayo ng mga local government units.