MARGOT GONZALES
ISINAPUBLIKO na kamakailan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang P20 coin at ang bagong disenyo ng P5 coin upang mas madali itong makilala.
Pinangunahan ang pagprisenta sa pinal na disenyo ng naturang bagong barya ni BSP governor Benjamin Diokno sa ceremonial launch nito.
Ayon kay Diokno, ang bagong coins ay tuluyang ilalabas sa sirkulasyon sa taong 2020.
Inaasahan naman aniyang mananatili sa sirkulasyon ang kasalukuyang P20 bills hanggang sa taong 2021 bago ito tuluyang mapalitan ng mga bagong barya.
Una nang sinabi ng BSP na mas magiging matipid ang paggawa ng P20 na barya kumpara sa bills na mabilis maluma dahil malimit itong ginagamit.