EYESHA ENADAR
KASABAY ng holiday season, muling nagpaalala ang Philippine National Police sa kanilang mga tauhan na bawal ang pag-inom ng alak habang naka-duty.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Camilo Cascolan, mayroon silang umiiral na direktiba na ipinagbabawalan sa mga pulis ang pag-inom ng alak sa pampublikong lugar.
Pero nauunawaan ng opisyal na hindi minsan maiiwasan na makainom ang mga pulis kaya mainam na gawin na lamang ito sa kani-kanilang tahanan.
Nagpaalala rin si Cascolan sa mga pulis na kung iinom man ay huwag magpakalasing lalo’t anumang oras ay maaaring ipatawag ang mga ito.