HANNAH JANE SANCHO
IKINATUWA ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang pagbaba ng unemployment rate ng bansa sa 4.5% noong Oktubre mula sa 5.1% sa kaparehong buwan noong 2018.
Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, tagumpay ito para sa Administrasyong Duterte at ng mga Filipino dahil ito aniya ang pinakamababang naitala simula 2005.
Ani Andanar, sumasalamin ang resulta sa kanilang pangako na gumawa ng mga hakbang sa pamamagitan ng key programs ng Dutertenomics para maibsan at mabawasan ang bilang ng mga walang trabahong Pinoy sa buong bansa.
Sinabi ng PCOO Secretary na pinalawak nila ang kanilang employment gains sa lahat ng major sector lalo na sa agriculture at services sa kabila ng mga hamon sa climate changes at banta na hatid ng kumalat na animal diseases.
Tiniyak naman ng PCOO na patuloy ang kanilang pag-adopt sa socio-economic policies and reforms para palawakin ang pagtaas ng economic output ng bansa para mapabuti ang kalidad ng trabaho, employment rate at kapakanan ng mga Filipino sa kabila ng global economic uncertainties.