ADMAR VILANDO
MARIING kinokondena ng Malakanyang ang nangyaring panibagong pagsabog sa Cotabato at Maguindanao kung saan dalawampu’t dalawa ang sugatan kabilang ang walong sundalong nagpapatrolya.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Salvador Panelo bigo ang lahat ng gustong maghasik ng lagim at magpalaganap ng takot dahil paniguradong matutukoy ang mga nasa likod nito at sila’y mapaparusahan sa ilalim ng batas.
Hinihikayat naman ng Palasyo ang publiko na manatiling alerto at maging vigilante at agad i-report sa mga otoridad kung may mga kahinahinalang indibidwal sa kanilang lugar.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang insidente.