Opisyal nang idineklara ng Department of Agriculture na African Swine Fever free ang mga baboy at pork products ng Pangasinan.
Matatandaan na sa mga nakalipas na buwan ay nagpositibo sa ASF ang ilang baboy mula sa bayan ng bayambang at mapandan sa nasabing probinsya ngunit dahil sa pangunguna ng DA at iba pang ahensya ng pamahalaan napigilan ang pagkalat nito.
Ani DA Secretary William Dar, ligtas nang kainin ang mga baboy at processed pork products mula sa probinsya.
Sinigurado din ng kalihim na sapat ang supply ng baboy ngayong holiday season dahil sa 1 porsyento lang ng populasyon ng baboy sa bansa ang naapektuhan ng ASF.
Pinuri din nito ang National Hog Raisers Association pati na ang pederasyon nito dahil kooperasyon nito na malutas ang problema sa ASF.
Nanawagan naman si Dar sa mga mamamayan ng Pangasinan na manatiling alerto at agad na ipagbigay alam sa kanilang ahensya kung makikitaan ng ASF ang kanilang mga baboy.