HANNAH JANE SANCHO
PINURI ni Olympic Council of Asia (OCA) Vice President Wei Jizhong ang gobiyerno ng Pilipinas dahil sa maayos na pag-organisa ng 30th Southeast Asian Games (SEA games) 2019.
Nagpahayag din ng paghanga at suporta si Jizhong sa galing ng Pilipinas sa paghawak ng mga ganitong events.
Naniniwala din si Jizhong na kayang-kaya ng Pilipinas na magsagawa pa ng mas malaking sporting event matapos makita ng personal ang maayos at sistematikong pag-organisa ng SEA games.
Sinabi pa ni Jizhong na mula sa slogan na “We Win As One,” hanggang sa fan engagement at sa matapat na pag-amin sa responsibilidad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga aberya, ay mahalagang bagay upang maging maayos ang pag-organisa sa SEA games.