JHOMEL SANTOS
LUMOBO pa sa higit apat at limang bilyong piso ang iniwang pinsala ng Bagyong Tisoy sa pananalasa nito sa bansa noong nakaraang linggo.
Sa huling bulletin ng NDRRMC, kabilang sa mga pinakaapektado ng bagyo ang Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, Rehiyon 5 at 6.
Lima naman ang kumpirmadong nasawi habang 322 ang naitalang sugatan mula sa Region 4-A, MIMAROPA, 5 at 8.
Aabot naman sa higit 360,000 pamilya o higit 1.5 milyong indibidwal ang naapektuhan sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.
Sa ngayon, patuloy ang pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa mga apektadong lugar.