PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac
ADMAR VILANDO
ANG gumagalang puting van sa lungsod ng Pasay ang itinuturong dahilan ng pagkawala umano ng siyam na kabataan.
Nakunan pa umano ng CCTV ang pagdukot ng mga nakasakay sa puting van sa isa mga biktima sa lungsod.
Pero ang Philippine National Police (PNP) itinuturing na fake news ang kumakalat na balita sa social media kung saan kinukuha pa umano ang laman loob ng mga biktima.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, wala pa ni isang kaso ang nakumpirma ng PNP.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ang NCRPO lalo na ang kuha ng CCTV.
Hindi ito ang unang beses na kumalat sa social media ang puting van na nangunguha umano ng mga kabataan para sa laman loob nito.
Kasabay nito, nanawagan si Banac na mas mabuting maiparating sa kanila kung may matatanggap na kahalintulad na impormasyon.
Mas mabuti rin anyang beripikahin ang impormasyon bago i-share sa social media upang hindi magdulot sa takot sa publiko.