EYESHA ENDAR
INATASAN ng Police Regional Office 4-A ang lahat ng police commanders na bisitahin ang mga tindahan o gumagawa ng lambanog sa kanilang probinsya.
Ito ay matapos ang pagkasawi at pagkakaospital ng ilang katao sa lalawigan ng Rizal dahil sa pag-inom ng lambanog.
Ayon kay PNP PRO 4-A Director Police Brigadier General Vicente Danao, layunin nito na matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo’t ilang kaso na ng pagkalason ang naitala dahil sa pag-inom ng lambanog.
Nakikipag-ugnayan na rin anya sila sa Food and Drug Administration (FDA) para ipagbawal ang pagbebenta ng lambanog hangga’t walang clearance mula sa ahensya.