JAMES LUIS
PINURI ng Malakanyang ang mga organizers ng Southeast Asian (SEA) games sa pamumuno ni House Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa kanilang trabaho dahil sa kamangha-manghang opening ceremony sa Philippine Arena noong Sabado, Nobyembre 30.
Umaasa ang Malacañang na sa tulong ng “event extraordinaire” ay magiging maganda ang pagsasagawa ng mga gaganapin na palaro hanggang sa matapos ang sporting event sa bansa.
Pinapurihan din ng Malakanyang ang mga performers, at ang lokal na media outfits, gayundin ang mga manunulat at bloggers sa tamang pag-uulat sa tagumpay ng seremonya.
Ang Pilipinas ang host ng ika-tatlumpung edisyon ng nagpapatuloy na SEA games na magtatapos hanggang ika-labing isa ng Disyembre 2019.