SENATOR Christopher Bong Go
TROY GOMEZ
UMAASA si Senator Christopher Bong Go na maisasakatuparan ng mga barangay officials at Sangguniang Kabataan ang kanilang mga proyekto para sa kanilang mga nasasakupan.
Ito ay kasunod ng pormal na paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasabatas ng postponement ng barangay at SK elections sa December 5, 2022.
Matatandaang si Senator Go ang nagsulong sa pagpapaliban sa dapat sana ay SK at barangay elections sa May 2020 upang mabigyan ng mas mahabang oras ang mga nakaupong opisyal na isakatuparan ang kanilang mga programa at proyekto.
Ito ay bunsod ng napaiksing termino ng mga kasalukuyang nakaupong SK at barangay officials dahil sa ilang beses na pagkakaantala ng eleksyon sa mga nakaraang taon.
Una nang sinabi ni Go na mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga barangay at SK officials sapagkat ang mga ito ang frontliners ng gobyerno dahil sila ang nangungunang nakakasalamuha ng mga mamamayan sa komunidad.