SPENCER Dinwiddie
JAMES LUIS
PINANGUNAHAN ni Spencer Dinwiddie ang panalo ng Brooklyn Nets kontra New York Knicks sa iskor na 103-101.
Nagtala ang manlalaro ng 30 points, 4, rebounds at 4 assist habang nagtala rin ng doble digits score sina Jarrett Allen, Taurean Prince, Joe Harris, at Garrett Temple para sa panalo ng koponan.
Hindi naman nakapaglaro sa Nets si Kyrie Irving dahil sa iniinda nitong shoulder injury.
Nanguna naman para sa Knicks, si Marcus Morris na nagtala ng 26 points.
Sa ngayon, may hawak ng walong panalo at walong talo ang nets habang may apat na panalo at labing tatlong talo ang standing ang Knicks.