NAALARMA ang isang mambabatas sa sunud-sunod na pagdukot sa mga Chinese national sa bansa.
Hiniling ni ACT-CIS Cong. Eric Yap sa kamara na imbestigahan ang insidente upang matukoy at madakip ang mga nasa likod ng pagdukot na ang mga suspek ay pawang Chinese national din.
Sinabi ni Yap na kapag nagpatuloy ang ganitong pagdukot ay baka isipin ng mga dayuhan na hindi kaya ng ating mga pulis na pangalagaan ang kanilang seguridad.
Ginawa ito ni Yap matapos mag-viral sa social media ang kuha ng CCTV footage sa ginawang pagdukot sa isang babaeng Chinese national na sapilitang isinakay sa isang van sa Makati City.
Umaasa si Yap na sa lalong madaling panahon ay mareresolba ang nasabing insidente.
Mayor Isko Moreno, pinangunahan ang pagsalakay sa mga pagawaan ng pekeng dokumento sa Recto
POL MONTIBON
PINANGUNAHAN ni Manila City Mayor Isko Moreno ang isinagawang pagsalakay ng Manila Police District sa mga pagawaan ng mga pekeng dokumento sa Recto University.
Nakumpiska ang isang makinang ginagamit sa paggawa ng mga pekeng diploma, birth certificate, transcript of records, driver’s license, NBI clearance at iba pang government-issued na mga dokumento.
Hindi bababa sa 40 na indibidwal ang nahuli at ilang may-ari ang nadiskubreng walang kaukulang permit para magnegosyo sa lungsod.
Matatandaang binantaan ni Moreno ang barangay chairman na nakakasakop sa tinaguriang ‘Recto University’ o ang mga pagawaan ng pekeng dokumento matapos matuklasan ang mga pekeng resibo ng Bureau of Permits at ID ng Manila City Hall.