POL MONTIBON
PANAHON na para masawata ang Recto University na pugad ng mga paggawa ng mga illegal at mga pekeng dokumento.
Ito ang sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno matapos salakayin kamakailan ang ‘Recto University at maaresto ang 42 na kataong nakuhaan ng sampung pirasong pekeng dokumento.
Nagbabala si Manila City Mayor Isko Moreno sa lahat ng establisyemento sa Recto sa illegal na gumagawa ng naturang aktibidad, na mananagot sila sa batas.
Matatandaang sinalakay kamakailan ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD SMaRT) kasama ang mga miyembro ng Bureau of Permit and Licensing, Special Weapons and Tactics (SWAT) Team, at Police Station 3, at naaresto ang 42 kataong sangkot umano sa mga paggawa ng mga pekeng dokumento.
Kinumpiska bilang ibidensya ang mga MIMEO graphing machine, LG computer with CPU, dalawang pirasong EPSON printers, 3 computer LCD monitors, 3 metal dry seals at iba pa.
Naniniwala si Mayor Isko na ang mga nakuhang ibidensya na nakakagawa ng mga identification cards, certificates, diplomas, at iba pang public documents.
Binalaan nito ang ilang miyembro MPD , at mga barangay official na nagpapabaya sa kanilang tungkulin at nagbibigay ng proteksyon sa iligal na gawain ay mananagot sila sa batas .