NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
HINDI tayo makakapagyabang sa buhay na meron tayo ngayon kung wala tayong kaligtasan. Ang kaligtasan ay nararapat na pangunahing alalahanin dahil kayo ay mamamatay. At sinabi ng Ama, “At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom.”
At alam niyo ba na sa paghuhukom ay tatayo kayo sa Kanyang harapan at ang mga Libro ay bubuksan. At sa langit sa panahon ng paghuhukom, ang lahat ng bagay ay nakarekord? Kahit ang mga buhok sa inyong ulo ay binilang.
Ang Salita ng Panginoon ay nagsasabi sa Mateo 10:30, “Datapuwa’t maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat.”
ANG AKLAT NG BUHAY AY HAHATOL SA INYO
Sa langit, kapag kayo ay tatayo sa harap Niya, ang inyong mga pangalan ay tatawagin at ang iyong Aklat ng Buhay ay bubuksan sa inyo at ang Aklat ng mga Paggawa.
Pahayag 20:11-15:
11 “At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas, at walang nasumpungang kalalagyan nila.”
12 “At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat; at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.
13 “At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila, at sila’y hinatulan bawa’t tao ayon sa kanikaniyang mga gawa.
14 “At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagat-dagatang apoy.
15 “At kung ang sinoman na hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagat-dagatang apoy.”
ANG LAHAT NG BAGAY AY NAKAREKORD
Kapag kayo ay namatay, kayo ay tatayo sa harap ng paghuhukom; ang mga aklat ay bubuksan. At kayo ay hahatulan ayon sa anuman ang naisulat sa mga aklat.
Ang inyong buong buhay sa panahong kayo ay isinilang hanggang sa panahon na kayo ay namatay ay nakarekord doon. May malaking CCTV sa langit para sa bawat tao. Mayroon kayong bodycam nang kayo ay isinilang. Ito ay nagrerekord sa lahat ng sekreto o hindi sekreto. Kaya hindi kayo makatatago ng anumang sekreto; lahat ay nakarekord.
At kapag kayo ay mamamatay, ang video sa body cam na ito ay kukunin at itatanghal sa inyong harapan. Ang hukom ay hindi magsasabi sa inyo kung kaninong buhay yaon. Ipapanood lamang niya ito sa inyo. At ang inyong buhay mula sa oras na kayo ay isinilang hanggang sa oras ng inyong kamatayan, ilang taon kayo nabubuhay? “Ah, ikaw ay nabuhay ng 75 taon. Tingnan ang buhay na ito.”
At ang video ay ipalalabas sa inyong harapan. May CCTV sa buong mundo ngayon upang ang mga krimen ay nairerekord sa mga lungsod upang madali na lamang nilang mahuli ang mga kriminal.
Sa langit, bawat isa sa atin ay may sariling CCTV, ang inyong isipan ang inyong CCT at ang buhay na iyan ay ipalalabas sa inyong harapan, at ang hurado ay magsasabi, “Nakikita mo ‘yang buhay na ‘yan?” “Oo!” “Ang ganyang buhay ba ay nararapat na magtungo sa langit?”
At kayo ang siyang magsasabi, “Hindi, hindi, hindi. Ang buhay na ito ay napakasama, hindi ito tutungo sa langit. Hindi ito karapat-dapat sa langit.” At sasabihin sa hurado, “Iyan ay ang iyong buhay.” Ano ang sasabihin ninyo? Dahil walang rekord na kayo ay nagsisisi.
Ngunit kapag kayo ay namatay at kayo ay nakapagsisisi, kayo ay nabuhay na naaayon sa Kanyang Kalooban; at ipapakita Niya sa inyo ang buhay na iyan. At ang buhay na iyan ay isang buhay ng pagsusunod, katapatan, dedikasyon, at paninindigan sa paggawa sa Kalooban ng Ama na siyang mga Salita ng Panginoon sa tipan.
Ang tipan na inyong pinasok, nilagdaan, na mula ngayon, ang Kanyang Kalooban ang masusunod. Nilagdaan ninyo ang tipan na iyan. “Magiging matapat ako dito, susunod ako dito, iaalay ko ang aking buhay dito, magiging matapat ako.” Alam ba ninyo na ang tipan ay isang kontrata sa pagitan natin at ng Panginoon?
(ITUTULOY)