PNP OIC Lieutenant General Archie Francisco Gamboa
MJ MONDEJAR
ASAHAN ang pinaigting at pinalakas na war on drugs ng Philippine National Police sa pagpasok ng taong 2020. Ito ang babala ni PNP OIC Lieutenant General Archie Francisco Gamboa sa mga sangkot sa illegal drugs.
Matapos ang matagumpay na operasyon ng Philippine National Police kung saan nasabat ang kilu-kilo ng iligal na droga, nagbabala si PNP Officer-in-charge Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa sa mga sangkot dito.
Ayon kay Gamboa, asahan ang pinaigting at pinalakas na kampaniya kontra iligal na droga sa taong 2020.
Aminado si Gamboa na naging pagsubok para sa kanila ang kaliwa’t kanang kontrobersya na kinaharap ng PNP noong nakaraang taon.
Sa harap kasi anya ng kanilang war on drugs ay ilang opisyal at tauhan naman nila ang nasangkot dito.
Ito anya ang tinutukan ng kanilang pinaigting na internal cleansing program.
Tiniyak ni Gamboa na buong pwersa nilang ipatutupad ang batas laban sa mga maglalakas loob pa rin na magpasok ng iligal na droga.