Ni: Quincy Cahilig
SUMIPA ang morale ng mga investors sa Euro zone ayon sa research group na Sentix.
Batay sa survey ng grupo, tumaas ang index of investor morale sa 7.6 points ngayong Enero mula 0.7 noong Disyembre, na highest level na naitala mula noong Nobyembre 2018.
Ang pagtaas ng morale ay dulot umano ng mga positibong pangyayari sa ekonomiya ng Asia at sa paghupa ng US-China trade wars.
“More important seems to be the gain in momentum in other regions of the world, especially in Asia, as well as the slight easing of the trade dispute between the United States and China.
“The recent events surrounding Iran have not unsettled investors,” dagdag ng Sentix.
Dahil sa resulta ng survey sa mahigit 900 na investors, pinawi ng Sentix ang mga pangamba ng pagkakaroon ng recession sa Euro zone.