NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
MARAMING mga abugado ngayon dito at alam ng lahat na ang kontrata ay walang bisa kung mayroon lamang isang partido na lalagda. May dalawang partido ang kinakailangan upang magkaroon ng legal na bisa ang isang kontrata. Sa espirituwal na kontrata na ito, ito’y sa pagitan ng Panginoon at ng komunidad. Nang Kanyang dinala ang kontrata, si Jesus Christ ang nagdala nito at ito ay Kaniyang ibinigay sa atin. Kanya itong binayaran at nilagdaan ng Kanyang sariling dugo na mula ngayon, nang sinabi Niya ito ay tapos na – ang Kanyang Kalooban ang masusunod sa mundo.
At ang ikalawang bahagi ay ang sangkatauhan. Sa sangkatauhan, ang Kristiyanidad ngayon, kanilang ipinakita ang kontrata. “Ito ang kontrata,” kanila itong sinabi ngunit hindi nila ito nilagdaan. Kahit na basahin pa ninyo ito ng milyong beses sa harapan ng tao, kung hindi ninyo ito nilagdaan, ang kontrata ay walang bisa. Kailangan ito lagdaan ng tao.
Hindi ito nilagdaan ng mga denominasyon at relihiyon dahil hindi nila ito sinunod. Nang Kanya akong tinawag para sa misyon na ito na maging Kanyang Anak, pinakita Niya sa akin ang tipan. Binasa ko ang tipan. Sinabi ko, “Ama, lalagdaan ko to. Magiging matapat ako dito at magpapakamatay ako para dito. Paninindigan ko ang sarili rito, iaalay ko ang aking buhay rito anuman ang mangyari. Kung mamamatay akong sinusunod ito, paninindigan ko ang kalabasan na iyan.
Kaya ang kontrata ngayon saan man ako tutungo, ito ay inilalahad ko sa inyo upang ito’y inyo ring lagdaan at ang Kanyang Kalooban ang masusunod upang sa araw na kayo ay haharap sa paghuhukom, ang inyong pangalan ay tatawagin.
Ang buhok ng inyong ulo ay binilang. Mateo 10:30, pagkatapos ang inyong mga pangalan ay babasahin. “Ikaw ay isinilang noong Enero 1, 1997. Tama ba? Nang ikaw ay isinilang, ang iyong buhok ay 26, 000 lamang. Nang ikaw ay 18-taong gulang, 258,000 ang hibla ng iyong buhok, napakakapal. Nang ikaw ay namatay mayroon lamang 300 na hibla ang naiwan sa iyong buhok. Halos kalbo ka na.” Itong lahat ay nakarekord kahit ang buhok ng inyong ulo kabilang ang lahat ng mga bagay na inyong ginawa.
Kung may rekord na kayo na dumalo sa Thanksgiving and Worship Presentation, at kayo ay nagsisisi, tinanggap at nilagdaan ang kontrata kagaya ko, ‘yan ang magiging malaking pagbabagong desisyon na inyong ginawa na magtutulak sa inyo patungo sa kawalang hanggan. Ganyan ang pag-ibig ng Ama sa bawat isa sa inyo. Kanya akong ipinadala.
Ang mga salita na sinalita ko sa inyo ay espiritu at ang mga ito ay buhay. Hindi lahat ng tao na magsabi sa akin, Panginoon, Panginoon ang makapapasok sa Kaharian ng langit, ngunit ang gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.
Ito ang pinakamensahe. Hindi lamang sa pakikinig kundi sa pagsusunod sa Kalooban ng Ama. Marami ang magsasabi sa akin, “Nagpopropesiya kami sa Inyong pangalan, gumawa kami ng mga dakilang gawa sa Inyong pangalan, nagpapalayas kami ng demonyo sa Inyong pangalan.”
Ginagamit lamang nila ang Kanyang pangalan, at si Jesus Christ ay magpapahayag sa kanila sa panahong iyo” “Sino kayo, hindi ko kayo nakilala, lumayo kayo sa akin kayong gumagawa ng katampalasanan.”
Ang pagtawag sa Kanyang pangalan, paggamit sa Kanyang salita, paggamit ng handog sa espiritu ay hindi kaligtasan. Ang pagsusunod sa Kanyang Kalooban ang kaligtasan. Ito ang dinadala ko sa mundong ito ngayon.
ANG IKALAWANG KAMATAYAN
Ang salita ng Dakilang Ama ay lumagak sa aking puso. Sa huling talata ay sinabi, “At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat na buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.” Ito ang ikalawang kamatayan. Narito ako upang iligtas kayo mula diyan. Nais kung maisulat ang inyong pangalan sa aklat na buhay. Sa pamamagitan ng pagsusunod, pagsusunod sa Kanyang Salita, sa pamamagitan ng pagsisisi at paninindigan at pag-aalay sa buhay ngayon. Ngayon ang panahon para sa desisyon na iyan. Mamahalin man ninyo ako o kasusuklaman, itatakwil o tatatanggapin ninyo ako, may isang bagay na hindi ninyo magawa, hindi ninyo ako maiiwasan at ang isyu ng walang hanggang kaligtasan. Lahat tayo ay haharap nito.
WAKAS