EYESHA ENDAR
TODO paghahanda na ang bride-to-be na si Angel Locsin para sa kasalan nila ng kasintahan na si Neil Arce.
Say ni Angel, kung nakaraang taon ay nahinto ang kanilang preperasyon para sa wedding dahil sa pagiging abala sa career, this 2020 ay ipagpapatuloy na nila ang paghahanda para sa kanilang pag iisang dibdib.
Hinay-hinay muna aniya siya sa pagtanggap ng mga projects at pelikula this year para matutukan ang kaniyang pagpapakasal.
Noong nakaraang taon nang magprose si Neil kay Angel makalipas ang mahigit isang taong pagsasama.