Ni: Jonnalyn Cortez
IDINETALYE ng dating magkasintahan na si Julia Barretto at Joshua Garcia ang kanilang muling pagsasama sa pelikulang “Block Z.” Matatandaang naging kontrobersyal ang hiwalayan ng dalawa nang ma-link si Julia sa dating nobyo ni Bea Alonzo na si Gerald Anderson noong nakaraang taon.
Sa press conference ng bago nilang pelikula, naging maingat ang mga Kapamilya stars sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kanilang dalawa matapos ang kanilang dalawang taong relasyon.
“Okay naman kami. Okay kami and… okay kami…” maingat na sagot ng aktor,” ang sagot ni Joshua.
Ayon sa PEP.ph, mag-on pa si Joshua at Julia nang magsimula ang shooting ng “Block Z.” Nagkahiwalay naman sila bago matapos ang shoot.
“Actually, nung nakita ko siya, ito personally, parang na-miss ko din siya. Kasi siyempre, ang tagal naming hindi nagkasama… na-busy siya, na-busy ako,” dagdag pa ng aktor.
Sinegundahan nman ni Julia ang pahayag ng dating nobyo, at sinabing masaya siyang nanatili silang magkaibigan sa kabila ng kanilang paghihiwalay. Inamin din nitong na-miss niya si Joshua dahil matagal-tagal din silang nagkasama noon.
“We’re okay. And that’s one of the things I’m grateful for… that we were able to really protect and make sure that the friendship will stay and remain,” paliwanag ng aktres. “And tama siya. When I first saw him also, it felt familiar… kumbaga, parang it’s a familiar place, it’s a comfortable, safe place.”
Umamin si Joshua at Julia na dalawang taon na ang kanilang relasyon noong Abril ng nakaraang taon. Ngunit matapos lamang ang dalawang buwan, sinabi ng dalawa na matalik na magkaibigan na muna silang muli.