JHOMEL SANTOS
SIYAM katao ang nasawi habang libo-libong iba pa ang napilitan magsilikas dulot ng matinding pagbaha sa Indonesia.
Naganap ang pagbaha sa kasagsagan ng pagdiriwang ng bisperas ng bagong taon kung saan pinakaapektado ang malaking bahagi ng Capital City ng Jakarta.
Napilitan din ang state electricity utility ng Indonesia na patayin ang kuryente sa daan-daang mga distrito sa bansa matapos may makuryente ang isa sa mga nasawing biktima.
Nagdeploy na rin ang mga otoridad ng nasa 120,000 rescuers para sa rescue operations sa iba’t ibang bahagi ng syudad na tinitirhan ng nasa 30 milyong residente.
Nangako naman ang gobyerno na isusulong ng kasalukuyang administrasyon ang infrastructure projects sa dalawang ilog sa Jakarta upang maiwasan ang pagbaha sa syudad tuwing panahon ng tag-ulan na magtatagal pa hanggang sa Marso 2020.