ARESTADO ang isang African national na nagpanggap na isang Pilipino upang makalabas ng bansa.
Kinilala ang naarestong suspek na si Honda Winto Chen, 43-anyos, na naaresto sa NAIA terminal 3 bago makasakay ng flight papuntang Tokyo, Japan.
Hinuli si Chen matapos madiskubre sa BI’s travel database na labas-pasok ito sa bansa gamit ang Burikina Faso passport.
Dinala na sa BI detention facility sa Taguig City ang dayuhan habang hinihintay ang kanyang deportasyon.