NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
NAIS din ng Ama na matupad sa aking buhay ang kuwento ng Mabuting Samaritano. Isang beses, sa Amerika, tinulungan ko ang isang tao na maraming beses na pinahayag sa akin bilang aking kaaway. Hindi ko kailangan siyang tulungan dahil kami ay dating magkaaway mula sa aking dating denominasyon. Hindi ko kailangan na tulungan ang sinuman, ngunit gagawin ko upang matupad ito sa buhay ng Anak. Isa lamang ‘yan sa halimbawa, ngunit marami pang iba. Kaya tumulong ako. Paano ‘yan matutupad kung hindi kayo maging tunay na anak ng Dakilang Ama? Kaya nangyari ‘yan. Ngayon, tayong lahat ay kabilang. Kaya mayroon tayong Sonshine Philippines Movement, Children’s Joy Foundation, Keeper’s Club, at maging SMNI.
Pagsusumikap dulot ng pag-uusig
Kung may mga lugar na lubhang tinamaan ng mga kalamidad na kailangan ng agarang tulong, hindi namin sasabihin, “Ayoko ko pumunta doon dahil sila’y aking mga kaaway! Mabuti sa inyo!” Sinumang nangangailangan ng tulong, iyan ang inyong kapwa na siyang dapat na inyong tinutulungan. Halimbawa, may isang tao na kumuha ng tubig. “Ano ang masasabi mo para sa iyong sarili?” Halos hindi siya makapagsabi ng pasasalamat. Maaaring masama ang kanyang loob. Maaaring isa siya sa mga umuusig sa akin noon. Isa ba kayo sa umuusig sa akin noon? Ganyan kumikilos ang gawain ng Ama. Itong kuwento ng Mabuting Samaritano na sinabi ni Jesus Christ. Inihalimbawa ng istoryang ito ang diwa ni Jesus Christ.
Lahat ng mga basher ginagawa nilang mali ang mga mabubuting bagay na aking ginawa. Ginagawa ninyong masama ang lahat ng mga miyembro, ang mga mamamayan ng Kaharian at ako ngunit sa mata ng Panginoon at ng Kanyang mga mamamayan kami ay lumiliwanag ng higit pa sa magpakailanman.
Pagtutumbas sa kabutihan ng Ama
Ang resulta ay salungat sa bagay na inilarawan niyo sa akin. Kaya sa halip na manalangin ako sa mga basher na tumigil, sasabihin ko, “Sige, pagpatuloy ninyo!” dahil tinutulungan niyo ako sa pamamagitan ng Espirituwal na Rebolusyon upang hayaan ang mga tao na lumapit sa akin. Ito ay dahil isinaalang-alang namin ang pagtugon ng kabutihan. Kapag ginawa nila iyon sa atin, gagawin natin sa pamamagitan ng pananampalataya ang mga mabubuting gawa. Paano ninyo mapipigilan ang kabutihan ng Panginoon sa ministeryong ito na siyang Kanyang naitatag na?
Ang ministeryong ito ay hindi akin, ito ay pagmamay-ari ng Dakilang Ama, ngunit may mga tao na sinusubukang ihiwalay ako mula kay Jesus Christ. “Susunod lamang tayo kay Jesus Christ, hindi kay Pastor Quiboloy,” ngunit sino ang siyang naghirang sa akin? Kung hinirang ko lamang ang aking sarili, wala na ako dito ngayon, hindi ako lalago, ngunit pinagpipilitan nilang ang Ama ay wala sa akin, sasabihin ko sa inyo, si Jesus Christ ay ang Ama sa espiritu.
Ang aking Dakilang Ama ay si Jesus Christ, hindi ang taong nasa Roma. Kanilang binabanggit na Siya ay Tagapagligtas, Siya ang siyang namatay sa krus, Siya ang natatanging Bugtong na Anak, Siya ang babalik, Siya ang Hari, Siya ang lahat ng bagay. Hindi nila binanggit na ang mga salita ni Jesus Christ na Kanyang iniwan ay kailangang sundin. Kaya binobola niyo lamang Siya sa mga sobra-sobrang pagpupuri. Kaya iniwan Niya kayo. Kaya wala na Siya ngayon sa inyo.
Ako, hindi ko binobola ang aking Ama. Sinabi ko, “Siya lamang ang kailangan nating sundin. Siya ang Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon.” Kaya Kanya akong pinagkatiwalaan ng Kanyang pangalan at ng Kanyang mga Salita dahil sinunod ko ito. Kaya ako’y naging banal sa Kanyang Kaharian.
(ITUTULOY)