NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
ANG utos na mahalin natin ang kapwa gaya ng ating sarili ay nangangahulugan na iunat natin ang ating tulong sa mga mahihirap na walang alintana sa rasa, kulay o anumang klase ng pagkakaiba. Ang Hinirang na Anak ang ating modelo kapag ito’y tungkol sa pagpapakita ng kaawaan at pakikiramay sa lahat ng tao.
Ang Lucas 10: 25-37 ay nagsasabi:
25: At narito, ang isang tagapagtanggol ng kautusan ay nagtindig at siya’y tinutukso, na sinasabi, Guro, anong aking gagawin upang magmana ng walang hanggang buhay?
26: At sinabi niya sa kaniya, ano ang nasusulat sa kautusan? Ano ang nababasa mo?
27: At pagsagot niya’y sinabi, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong lakas mo, at ng buong pagiisip mo; at ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
28: At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang sagot mo: gawin mo ito, at mabubuhay ka.
29: Datapuwa’t siya, na ibig magaringganap sa kaniyang sarili, ay nagsabi kay Jesus, At sino ang aking kapuwa tao?
30: Sumagot si Jesus at sinabi, Isang tao’y bumababa sa Jerico na mula sa Jerusalem; at siya’y nahulog sa kamay ng mga tulisan, na sa kaniya’y sumamsam at sa kaniya’y humampas, at nagsialis na siya’y iniwang halos patay na.
31: At nagkataong bumababa sa daang yaon ang isang saserdote; at nang makita siya ay dumaan sa kabilang tabi.
32: At sa gayon ding paraan ang isang Levita naman, nang dumating siya sa dakong yaon, at makita siya, ay dumaan sa kabilang tabi.
33: Datapuwa’t ang isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya: at nang siya’y makita niya, ay nagdalang habag,
34: At lumapit sa kaniya, at tinalian ang kaniyang mga sugat, na binuhusan ng langis at alak; at siya’y isinakay sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-tuluyan, at siya’y inalagaan.
35: At nang kinabukasa’y dumukot siya ng dalawang denario, at ibinigay sa katiwala ng bahay-tuluyan, at sinabi, Alagaan mo siya, at ang anomang magugol mong higit, ay aking pagbabayaran sa iyo pagbabalik ko.
36: Sino sa tatlong ito, sa akala mo, ang nagpakilalang kapuwa tao sa nahulog sa kamay ng mga tulisan?
37: At sinabi niya, Ang nagkaawanggawa sa kaniya. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, at gayon din ang gawin mo.
Ang Samaritano ay hindi tinanggap ng Hentil o ng Hudyo dahil siya ay kalahati Hentil at kalahati Hudyo. Kaya siya ay nag-iisa at hindi tinanggap ng sinuman. Ang mga relihiyoso, ang pari at ang Levita na kapwa ay relihiyoso at madasalin at palaging nakikitaang nagdadasal sa mga dambana ng kanilang mga templo. Ngunit nang makita nila ang isang tao mula Herusalem patungong Jerico ay ninakawan at iniwang nag-aagaw buhay ay kanilang iniwasan nang siya ay nangangailangan ng tulong dahil ayaw nilang madumihan ang kanilang mga kamay o ayaw nilang maabala.
Ang Samaritano na hindi tinanggap saanman ay dumaan at nakita ang kinahinatnan ng tao. Bumaba siya sa kaniyang kabayo at tinalian ang sugat nito, binuhusan ng langis at alak upang linisin ang sugat at inatasan ang tagapagbantay na pagalingin ang tao. “Alagaan mo itong tao,” sinabi ng Samaritano sa tagapagbantay, at binigyan niya ito ng pera upang alagaan ang tao. At kanyang sinabi, “Kung gumugol ka ng higit pa, kapag ako ay babalik, magbabayad ako sa’yo.”
(ITUTULOY)