JAMES LUIS
IPINAGMALAKI ni UFC champion Conor McGregor ang nakuha niyang bagong record matapos talunin si Donald ‘Cowboy’ Cerrone.
Napatumba kasi ni Mcgregor si Cerrone sa loob lamang ng apatnapung segundo sa UF 246 na ginanap sa Las Vegas.
Dahil sa panalo ay siya lamang ang unang fighter sa UFC history na may knockout victories sa featherweight, lightweight at welterweight.
Hindi kasi ito nanalo mula pa noong November 2016 nang makuha niya ang UFC world title dahil binigo ito ni Khabib Nurmagomedov noong Oktubre 2018.