CHERRY LIGHT
WALANG nadamay na Pilipino sa naganap na pagsabog sa Mogadishu, Somalia.
Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) base sa ipinarating na impormasyon ng Philippine Embassy sa Nairobi na may jurisdiksyon sa Somalia.
Sa inilabas na pahayag ng DFA, sinabi nito na walang Pilipino na nasaktan o namatay sa pagsabog ng isang kotse sa Mogadishu.
Mariin ding kinondena ng DFA ang nangyaring insidente kung saan nagiging madalas na ang car bombings na hinihinalang kagagawan ng Al-Shabaab Islamist Militants na kaalyado naman ng Al-Qaeda.
Magugunita na naitala ang makasaysayang pag-atake sa Somalia noong Oktubre 2017 kung saan pinasabog ang isang truck na kumitil sa limandaan at labindalawang katao at dalawandaan siyamnapu’t dalawa naman ang sugatan.