CHERRY LIGHT
NAGBABALA ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy na tutungo sa South Korea na sumunod sa pagbabawal ng pagdadala ng animal at livestock products.
Ito ay para maiwasan ang pagmumulta ng malaking halaga at mapagbawalan na muling makapasok sa South Korea.
Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa nasabing bansa, dapat dalhin at ideklara ang mga dalang animal at livestock products sa quarantine office sa port of entry para hindi maharap sa multang 10 million Korean won o katumbas ng mahigit P430,000.
Oktubre noong nakaraang taon, isang biyaherong hindi nagdeklara ng dalang pork sausage ang pinagbayad ng million Korean won at pinatawan ng limang taong ban sa pagbiyahe sa South Korea.
Ang naturang paghihigpit ng South Korea ay upang maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang sakit ng mga hayop.