CHERRY LIGHT
NAGPAABOT ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga pamilya ng dalawang Filipino na nasawi matapos mawalan ng kontrol ang isang sasakyan at bumangga sa grupo ng mga Filipino sa Lucky Plaza sa Singapore noong nakaraang linggo.
Maliban sa dalawang Pinoy, apat na iba pang Pinoy ang nasugatan sa aksidente.
Tiniyak naman ng DFA na handa sila na ibigay ang lahat ng tulong na kailangan ng mga biktima sa aksidente.
Sinabi ng DFA na nakikipag-ugnayan na sila sa pamamagitan ng kanilang embahada sa mga otoridad sa Singapore para sa repatriation ng mga labi ng mga nasawing Filipino doon.
DFA, kinumpirma na walang Pinoy na nadamay sa naganap na pagsabog sa Somalia
WALANG nadamay na Pilipino sa naganap na pagsabog sa Mogadishu, Somalia.
Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) base sa ipinarating na impormasyon ng Philippine Embassy sa Na irobi na may jurisdiksyon sa Somalia.
Sa inilabas na pahayag ng DFA, sinabi nito na walang Pilipino na nasaktan o namatay sa pagsabog ng isang kotse sa Mogadishu.
Mariin ding kinondena ng DFA ang nangyaring insidente kung saan nagiging madalas na ang car bombings na hinihinalang kagagawan ng Al-Shabaab Islamist Militants na kaalyado naman ng Al-Qaeda.
Magugunita na naitala ang makasaysayang pag-atake sa Somalia noong Octobre 2017 kung saan pinasabog ang isang truck na kumitil sa limandaan at labindalawang katao at dalawandaan siyamnapu’t dalawa naman ang sugatan.