GUMAGAWA na ng paraan ang Department of National Defense (DND) para mailikas ang libu-libong Pilipino na nakabase sa Middle East.Ayon kay DND Spokesperson Dir. Arsenio Andolong, isa sa nakikitang problema ng kagawaran ay kung paano maililikas ng sabay-sabay ang libo-libong Pilipino partikular sa Iran at Iraq sakaling magkabiglaan.
Sinabi ni Andolong na isa sa mga tinitingnang posibilidad ng pamahalaan ay ang pansamantalang paglikas sa mga kababayang Pilipino sa mga kalapit na bansa sa Middle East na kaalyado ng Pilipinas tulad ng Jordan, Saudi at UAE .
Aminado naman si Andolong na kailangan pa rin ang approval nang mga nabanggit na host countries bago tuluyang mailikas ang mga Pilipino sa nasabing mga bansa.