MJ MONDEJAR
NAKAPAG-DEPLOY na ang Department of Health sa Northern Mindanao (DOH-10) ng nasa 1.7 k mga nurse para sa kinasang ikalawang national anti-polio drive sa bansa.
Umarangkada naman na ang programa kamakailan, January 20 na tatagal hanggang February 2, 2020.
Sa naging pahayag ni Dr. Ian Christian Gonzales, DOH-10 chief for infectious and communicable diseases unit, sinabi nitong ang lahat ng MGE registered nurse at health workers mula sa mga local government units ay pipiliting malagpasan ang naging tala sa unang anti-polio drive.
Welcome din sa DOH ang mga volunteer groups at iba pang Civic organizations na gustong magkawang-gawa.
Dagdag pa ni Gonzales na nakapangako sila sa national directive na walang batang hindi mababakunahan.
Matatandaang, noong nakaraang taon ay nakapagtala ang DOH-10 ng nasa 534,000 na mga batang nabakunahan sa 1st round ng anti-polio vaccination program.