TJ BUMANLAG
TINIYAK ng Department of Health (DOH) na ligtas pa rin ang Pilipinas mula sa misteryosong virus na nagmula sa bansang China.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, hanggang sa kasalukuyan ay wala pang nade-detect na carrier ng nasabing virus, habang patuloy naman ang isinasagawang monitoring sa mga international airports sa bansa.
Sinabi ni Domingo na may kakayahan naman ang DOH na ma-detect, ma-identify, ma-diagnose at mabigyan ng kaukulang lunas ang naturang karamdaman.
Una nang naiulat ang limampu’t siyam na indibidwal na naka-confine sa Wuhan City sa Central China matapos makitaan ng sintomas ng sakit na kahalintulad ng sa trangkaso at isa na ang binawian ng buhay kamakailan.
Kaugnay nito, nilinaw ni Domingo na isolated lamang ang naturang kaso sa Wuhan kaya walang dapat na ikaalarma ang mga pinoy kaugnay dito.