Ni: Quincy Cahilig
Hindi natitinag ang suporta ng overseas Filipino workers (OFWs) kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa dama nila ang pagmamalasakit ng administrasyon nito sa kanilang kapakanan
Tinatayang nasa 2.3 million ang bilang ng mga OFWs na nakakalat sa iba’t-ibang mga bansa sa buong mundo. Ang pangunahing dahilan: nais nilang matulungan ang kanilang pamilya. Kaya gayon na lang ang kanilang mga pagtitiis sa hirap ng mapawalay sa mga mahal sa buhay para kumita ng malaki sa ibayong dagat; oportunidad na naging mailap sa kanila sa mismo nilang bayan.
Subali’t sa bawa’t padala nila sa pamilya, nakikinabang din ang bansa. Ang bilyon-bilyong perang ipinapasok ng mga OFWs ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nananatiling stable ang ekonomiya ng Pilipinas, bagay na kinikilala ng pamahalaan.
Kaya naman Isa sa mga isinusulong ng Duterte administration ang pagkhikayat sa mga bansang kinaroroonan ng mga OFWs na bumalangkas ng batas na mangangalaga sa mga migrant workers. Subali’t aminado si Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. na hindi maaaring igiit ang hakbang na ito sa mga sovereign countries subalit hindi ibig sabihin nito ay di na nila igigiit ang kapakanan ng mga Pinoy workers sa abroad.
“We will continue to pressure them but more important than the law is how they are treating Filipinos. If they’re treating them well, I’m going to really cultivate that relationship because it’s not important for me to have words on paper,” wika ni Locsin
“If they treat our people well, then I would consider them friends of the Filipino people.”
Nguni’t hindi maikakaila na sa kabila ng mga hakbang ng gobyerno may mga kaso pa rin mga pang-aabuso sa mga OFWs, lalo na sa Middle East, kung saan naka-deploy ang nasa 1.2 milyong Pinoy. Tiniyak naman ni Locsin na laging nakahandang umagapay ang DFA.
“As long as she’s Filipino and she’s in distress and she wants to go home, we take them home, no questions asked. What is important to me is the swiftness, the speed with which we rescue our people, take them home when they want to go home. And when we say they go home, we don’t look for reasons,” aniya.
Hindi din naman dapat ang mangamba ang mga uuwing OFW sa bansa dahil siniguro mismo ni Pangulong Duterte na may madadatnan silang available jobs.
“Let me assure you that in return, we, in government, will continue to ensure that your efforts to uplift the lives of your families shall not be put in vain,” ipinahayag ng Chief Executive sa awarding ceremonies ng 2019 Model OFW Family of the Year (MOFYA) sa Malacanang.
“The government’s ultimate goal [for] OFWs is to [provide] them sustainable work and livelihood opportunities in our country. So someday, somehow, this will remain as one of the top priorities of my government,” dagdag pa ni Duterte.
DEPLOYMEMT BAN SA IRAN
Naging masalimuot ang pagtatapos ng taong 2019 para sa pamilya Villlavende sa South Cotabato nang makarating sa kanila ang balita na patay na ang kanilang kaanak na si Jeanelyn Padernal Villavende nitong December 30.
Nitong Hulyo lumipad patungong Kuwait si Jeanelyn bilang isang first time domestic helper para maiahon ang kanyang pamilya mula sa kahirapan. Subalit pagkalipas ng ilang buwan, nasawi ang 26-anyos na biktima dahil sa kalupitan ng kanyang amo.
Dahil dito, minabuti ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na magpatupad ng deployment ban ng mga newly-hired household service workers papuntang Kuwait.
“Now, therefore, the POEA Governing Board, in a meeting duly convened, resolves as it is hereby resolved, to adopt the said memorandum and effect a deployment ban for newly-hired domestic workers to Kuwait effective immediately,” nakasaad sa memo.
Samantala, agad naman nagbigay ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa naulilang pamilya ni Jeanelyn, na tumanggap ng paunang tulong na PHP10,000 cash at limang kahon ng family food packs. Magbibigay din umano ang Overseas Workers Welfare Administration ng tulong pangkabuhayan, psychosocial evaluation, at scholarship sa pamilya Villavende.
MIDDLE EAST EVACUATIONS KASADO NA
Sa patuloy na paglala ng tension sa pagitan ng U.S. at Iran, inalerto ni Pangulong Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na maghanda sa pagsundo sa mga OFWs sa Middle East na maiipit kung sakaling sumiklab ang giyera sa rehiyon.
“The President has tasked the AFP to prepare its air and naval assets to evacuate and bring home our countrymen if and when open hostilities erupt in the Middle East that may endanger their lives,” wika ni Department of National Defense (DND) spokesperson Arsenio Andolong.
There are 1,600 and 6,000 Filipinos in Iran and Iraq, respectively,” dagdag ng tagapagsalita ng AFP.
Nakahanda na din ang standby fund para sa pagbalik ng mga Filipino workers ayon s autos ng Pangulo.
Tumindi ang sigalot sa pagitan ng dalawang bansa matapos ang drone attack ng United States na kumitil sa buhay ni Gen. Qasem Soleimani sa Baghdad, Iraq, na di umano’y may basbas ni US President Donald Trump.
Sa pagdadalamhati ng Tehran sa pagkamatay ng itinuturing nilang bayaning heneral, nagbabala ang anak nitong si Zeinab Soleimani na makakaranas ang U.S. ng isang ‘dark day’. Subali’t di naman nagpasindak si Trump, na nagbabala rin na gaganti ang U.S. oras na umatake ang Iran sa mga assets at citizens nito.