KUMPIYANSA si Justice Secretary Menardo Guevarra na posibleng matapos sa loob ng anim na buwan ang binabalangkas na bagong water concession agreement sa pagitan ng gobyerno at ng Maynilad at Manila Water.
Kaugnay nito’y kinumpirma ni Guevarra na sa binubuong bagong kasunduan ay tatanggalin na ang mga tinatawag na onerous provision na makikita o nakasaad sa lumang kontrata.
Kabilang na rito ang pagpasa ng corporate income tax, concession fees, arbitration cost at iba pang mga bayarin sa mga consumers.
Ipinaliwanag ni Guevarra na nagawang ipasa sa mga consumers ang nasabing mga bayarin at nakasaad pa sa lumang kontrata na ang mga concessionaires ay itinuturing na mga contractor ng MWSS at hindi public utilities.
Kung maging negatibo anya ang pagkakaintindi ng mga foreign investors sa hakbang na ito ng gobyerno ay may iba pa naman daw mga investors ang posibleng interesado na mamuhunan sa Pilipinas.
….