MARGOT GONZALES
HINIKAYAT ni PCOO Secretary Martin Andanar ang mga kapwa mamahayag sa industriya na maging bahagi ng gov’t media.
Sa kapihan sa Manila Bay sinabi ni Andanar na marami ang opening sa gobyerno para sa mga mamamahayag.
Aniya mula sa radyo, print, online at maging sa tv ay maraming bakanteng trabaho para sa mga media practitioners na may civil service exam na pro level.
Paliwanag ni Andanar ang pagkakaroon ng regular na trabaho na may maayos na sweldo ang siyang solusyon para matugunan ang ugat nang problema sa media killings.
Napipilitan aniya ang ilang mga media practitioners na gagamit ng politiko partikular na sa mga probinsya dahilan para maipit ito sa awayan ng magkabilang panig.