YNA MORTEL
KINUMPIRMA naman ng health ministry ng Japan kamakailan ang pinakaunang kaso ng misteryosong pneumonia virus sa bansa galing China.
Ayon sa Japan health ministry ay nagpositibo sa naturang coronavirus infection ang isang lalaki mula sa Kanagawa Prefecture na malapit sa Capital City ng Tokyo.
Napag-alamang nanggaling ang lalaki sa Wuhan City sa China kung saan nagsimula ang outbreak.
Magugunitang kinumpirma rin ng Thailand ang pinakaunang kaso nito sa bansa na agad din naman umanong naagapan.
Sa ngayon ay nagpupursige ang Chinese officials at ang World Health Organization na mapigilan ang outbreak sa Wuhan City kung saan apektado ng virus ang hindi bababa sa apatnapu katao.