POL MONTIBON
NILINAW ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi ‘dinoktor’ ang litrato ng mga sumukong rebelde sa Masbate bagkus ay pinag-isa lamang (collage) ang dalawang larawan.
Ayon kay Panelo, ito ang paliwanag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana sa kontrobersyal na litrato.
Lumitaw na ‘manipulated’ ang litratong lumabas sa media ng mga rebel returnees sa Masbate nitong Disyembre a-26 ng nakaraang taon.
Inako ni Maj. Ricky Aguilar ng Philippine Army ang pagkakamali at humingi ng sorry sa publiko.