NI: MARILETH ANTIOLA
MARAMING dahilan kung bakit nagpupuyat ang isang tao. Nariyan ang paggawa ng mga homework, deadlines at requirements sa school at mga gawain na hindi natapos sa trabaho.
Ang iba naman ay nagpupuyat dahil sa kakalaro nila ng mga online games kagaya ng Mobile Legends, DOTA at hindi mawawala ang social media tulad ng Facebook, Messenger, Twitter, Instagram at mga online dating apps.
Sa isang araw ay may 24 oras, na nahahati-hati sa iba’t-ibang mga aktibidad. Anu’t-ano paman, parang hindi sapat ito at kadalasan nagigising pa rin ang marami na animo’y parang walang tulog at pagod na pagod.
Hangga’t maari dapat iwasan ang pagpupuyat dahil hindi mabuti ang epekto nito sa kalusugan.
Maaring maapektuhan ang mental health ng isang taong laging nagpupuyat.
Mahihirapan din ang isang taong walang sapat na tulog upang makabuo ng isang mahusay na desisyon sa anumang bagay na gagawin.
Hindi magiging masaya ang araw ng isang taong nagpuyat dahil sa pakiramdam na parang gutom na gutom, pagod at antok na antok.
Malaki ang tyansa na bumaba ang alertness level at productivity level ng isang taong walang sapat na tulog.
Hindi makakabuti sa memorya ng tao ang madalas nagpupuyat.
Habang maaga pa at bata ka pa ay baguhin ang nakasanayan na pagpupuyat palagi dahil wala itong magandang maidudulot. At huwag sayangin ang iyong oras sa mga bagay na walang kabuluhan.
Kailangan ng isang tao ang pito hanggang walong oras na tulog araw-araw para sa mabuting kalusugan at magampanan nang maayos ang mga gawain.