JHOMEL SANTOS
MULING hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng rebeldeng grupo na New People’s Army o NPA na magbalik-loob sa pamahalaan.
Ginawa ng pangulo ang paghikayat sa pagbisita nito sa mga biktima ng mga nagdaang lindol sa bayan ng M’lang Cotabato
Tiniyak ng pangulo na bibigyan ang mga magbabalik-loob ng pabahay, trabaho at tulong pinansyal.
Giit pa ng pangulo sa mga rebelde na walang mabuting patutunguhan ang pakikipaglaban ng mga ito sa pamahalaan.
Naniniwala naman ang pangulo na mas makatutulong ang mga rebeldeng NPA sa bayan kung makikipagtulungan ang mga ito sa gobyerno.